fbpixel

Our website uses cookies to help enhance your browsing experience. Continue to browse our site if you agree to our use of cookies as described in Unilab's Cookie Policy .

For information on how we protect your privacy, please read our Privacy Policy .

Diatabs Banner 11-22
Diarrhea 101: Ano ang Sanhi Nito at Paano Maaagapan Agad

Diarrhea 101: Ano ang Sanhi Nito at Paano Maaagapan Agad

Walang pinipiling oras at araw ang diarrhea, kaya dapat handa ka na. Alamin ang sanhi ng diarrhea at paano ito maiiwasan at maaagapan kaagad.


Huwag na natin itanggi: ang diarrhea ay isa sa mga sakit that can really affect everyday tasks since it messes up the normal flow of your day. The result? Panghihina, pananamlay, at less chances na magawa ang mga kailangang gawin. You will probably spend more time in the bathroom, kaysa sa mga bagay na kailangan mong tapusin.

Pero kung curious ka bakit nagkakaroon ng diarrhea ang isang tao, continue reading! Learn more about the common causes and symptoms of diarrhea and how to resolve it.

Ano ang Diarrhea?
Diarrhea is usually characterized by having loose bowel movements. May diarrhea ang isang tao kapag tatlo o mahigit pa sa tatlong beses siyang dumumi sa isang araw. Ang dumi ay malabnaw at matubig (watery stool), at maaaring sabayan ng iba pang mga sintomas.

May tatlong uri ng diarrhea. One is acute diarrhea na tumatagal ng isa o dalawang araw. Ngunit, kapag ang diarrhea ay tumagal ng dalawang linggo o mahigit, ito ay tinatawag nang persistent diarrhea. Kung ang diarrhea naman ay umabot ng at least apat na linggo, chronic diarrhea na ito.

Bukod sa watery stool, some of the other diarrhea symptoms you can encounter
include:

  • Pananakit ng tiyan o stomach pain
  • Nausea o pagkahilo
  • Pagsusuka o vomiting
  • Lagnat o fever
  • Matinding pangangailangan na magbawas o increased need to go to the bathroom

No matter what type of diarrhea you’re dealing with, kailangan itong maagapan agad para hindi lumala at makaapekto sa iyong kalusugan.

Anu-ano ang Sanhi ng Diarrhea?
Maraming dahilan kung bakit nagkakaroon ng diarrhea ang isang tao, kagaya nalang ng:

  • Kontaminadong pagkain at tubig na may bacteria, virus, parasite, at iba pang mikrobyo
  • Gamot na mayroong magnesium tulad ng antibiotic, cancer medicines, o antacids
  • Intolerance o sensitivities sa mga pagkain tulad ng lactose na nasa gatas at ibang dairy products, fructose, o artificial na sweetener
  • Sakit at health issues na nakakaapekto sa tiyan, maliit na bituka, o colon tulad ng Crohn’s disease at irritable bowel syndrome
  • Surgical procedures tulad ng partial intestine or gallbladder removal

Ano ang Kailangan Gawin Laban sa Diarrhea?
To relieve the pains caused by diarrhea symptoms, recommended na ikaw ay constantly uminom ng tubig, juice, or broth. People with diarrhea are very prone to dehydration, dahil habang naglalabas sila ng dumi sa katawan ay nababawasan din ang dami ng tubig at electrolytes.

However, subukan din iwasan ang pag-inom ng mga electrolyte drinks na may mataas na sugar levels because too much sugar can also aggravate your diarrhea leading to dehydration.

Kailangan din ipasuri sa health professional kung ang diarrhea ay hindi nawawala pagkatapos ng ilang araw. Kapag pinabayaan ang diarrhea, maaari itong magtuloy-tuloy sa dehydration at mabawasan ng mga nutrients ang katawan. In the end, tumataas ang kanilang risk para sa mas malalang sakit.

Kaya kapag nakaranas ng sintomas ng diarrhea, uminom agad ng gamot na pwedeng tumulong laban sa pagtatae tulad ng Loperamide (DIATABS®).

Loperamide (DIATABS®) is good for diarrhea since it contains 2 mg of loperamide that may help slow down intestinal movement, lessen stomach pain, and prevent dehydration caused by electrolyte loss.

For diarrhea relief that works, uminom ng dalawang (2) capsules ng Loperamide Diatabs®. Kapag may sumunod pang loose bowel movement, uminom ng isa (1) pang capsule. To know more about ideal Loperamide (DIATABS®) use and its other benefits, visit this website today.

If symptoms persist, consult your doctor.
ASC REF CODE U110P061422DS

References:
https://medlineplus.gov/diarrhea.html
https://www.webmd.com/digestive-disorders/digestive-diseases-diarrhea
https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/diarrhea/symptoms-causes/syc-20352241
https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/diarrhea/diagnosis-treatment/drc-20352246
https://www.niddk.nih.gov/health-information/digestive-diseases/diarrhea/definition-facts

Was this article helpful?